Mahirap talagang maging guro o teacher. Minsan ko nang naranasan nito. Sa paghahanda pa lamang ng lesson plan hanggang sa pagtayo mo sa harap ng klase upang ibahagi ang iyong mga nalalaman – lahat nakakapagod! Stressful. Pero hanga ako sa mga gurong patuloy pa rin sa kanilang propesyon kahit na kaakibat nito ang (araw-araw na) pagod at sakripisyo basta’t mabinhian lamang ng kaalaman ang bawat isipan ng kanilang mga mag-aaral. Sila ang tunay na mga bayani, kung tutuusin.
Nitong mga nagdaang taon lumabas at naging popular ang tinatawag na Open University, kasabay nito ang nagsulputang mga online teachers/ tutor. Gamit ang makabagong teknolohiya, ginagamit ito ng mga online guro upang gawing instrumento ng pagtutro. May nagsasabing hindi maganda raw ito ng pagtuturo pero sa pangkalahatang opinyon, effective raw na alternative ang online teaching.
Kasalukuyang online teacher/ tutor ako ng Spanish (as aprt of my part time job). Mahirap pero masaya. Nasabi kong masaya dahil sa pamamagitan ng pagiging online teacher/tutor,marami akong nakakasalamuhang tao at nagiging kaibigan saan man parte ng mundo. At saka dollars ang kinikita ko! jejeje (jejemon mode).
Pero nitong makalawa, sumali ako sa online conference ng mga Esperantista. Ang nilalaman ng naturang conferenceay ang muling pagpapaalala sa aming misyon bilang mga Esperantista – ang ipalaganap ang wikang Esperanto sa mundo. Dito sa Pilipinas ako lamang ang kaisa-isang opisyal na Esperantista. Idagdag mo pa ang aming misyon. Ninety million Filipinos to one Esperantist! Diba mahirap!
Pero dahil sa aking sinumpaang tungkulin, heto ako ngayon naririto upang isakatuparan ang misyong ito. Kahit walang sweldo at nangangailangan ng maraming sakripisyo, handa pa rin ako na ibahagi ngayon sa siyamnapung milyong mga Pilipino ang wikang Esperanto at ang kahalagahan nito sa Globalisasyon.
Sa ngayon, naghahanda na ako ng syllabus para sa free online course na ESPERANTO 101. Sisikapin kong magiging madali ang pagtuturo ko ng Esperanto online. Inihanda ko na rin ang aking sarili sa anuman at posibleng mangyari habang sinisimulan ko ang programang ito. At sana rin may tumangkilik nito sapagkat masayang pag-aralan ang wikang Esperanto. At saka LIBRE ito. Gagamitin ko rin itong instrumento upang magkakilala tayo at maging magkaibigan.
Hanggang sa muli Kaibigan!
Mi amas vin!








